Walkathon ang Drama ng Buhay

4 Feb

As I went full blast in my frantic search for an ex’s e-mail address I stumbled upon this old article I wrote about my penchant for long walks and city-sightseeing.  Bipeds of the world, read on!

—————

March 2006

Iba ang buhay ng isang freelance writer at researcher. May mga
panahong tambak at projects at malaki ang kita. Di ako magkadamayaw
sa pag-iisip kung ano ang uunahin at kung paano ko pagkakasyahin ang
panahon ko sa bawat project na kinuha ko.

Pero siyempre iba rin ang kuwento kapag natapos na ang mga
projects at wala pa ulit akong nakukuhang mga bagong projects.
Minsan kasi buwan ang lumilipas bago ulit magkaroon ng big time na
project.

At sa mga panahong ito ako malimit nadedepress. Kadalasan kasi
ay nasasaid ang bank account ko. Dumarating din ang puntong
nanghihingi na ako ng pera sa nanay ko para may ipamasahe at baon sa
eskwela (kumukuha kasi ako ng graduate studies ngayon). Naghihingi
na rin ako sa mga tita ko ng pangmeryenda. Napapadalas din ang
pagpapalibre sa mga close friends ko. He he…

Pero minsan ay tinatamaan din naman ako ng hiya at pinapairal ko
rin ang aking pride. Di ako tumatanggap ng tulong kahit na pampondo
ng Pinoy na lang ang laman ng coin purse ko at di na kasya kahit
pamasahe man lang.

Kaya naman ang solusyon: I walk from one place to another.
Parang bubuyog sa pollination. Ha ha…

Kapag mataas ang pride at walang pangsakay, Walkathon ang drama
ng buhay.

Kadalasan naman ay meron akong pamasahe papunta kaya ang pauwi
na lang ang nilalakad ko. Maniniwala ba kayong naranasan ko nang
maglakad mula La Salle hanggang sa bahay. Nilakad ko na rin ang
Libertad hanggang Harrison Plaza. Mula Sta. Cruz Church hanggang
bahay. Mula Guadalupe hanggang bahay. Mula Greenbelt hanggang bahay.

Planado ko ang mga ganitong pagkakataon. Kapag alam kong
maglalakad ako pauwi ay yung mojos o rubber shoes ang isusuot ko.
White or black ang t-shirt ko para di masyadong halata kung
pinagpapawisan na. May baon din akong extra shirt, sabon, at pulbos
para magmukhang malinis kung kinakailangan.

At kung masama ang panahon ay nakabalot sa plastic ang laman ng
aking bag para kahit mabasa ang bag ay tuyo pa rin ang laman.

Nagdedevise rin ako ng magandang ruta at sinisiguro kong hindi
ako daraan sa mga major thoroughfares para di masyadong maalikabok.
Tulad ng isip ko, sa mga kalyeng liko-liko ang lakad ko.

Marami rin akong paraan para maaliw ang aking sarili habang
naglalakad lalo na kung long distance ang aking itenerary.
Nagbibilang ako ng poste (75 lahat ang magagandang light posts ng
baywalk), nagbibilang ako ng hakbang (26 steps in between ang mga
posteng iyon), naghahanap ako ng mga lumang bahay (marami akong
nakitang ganito sa Singalong area), naghahanap ako ng bagong
simbahan at bumibisita sa adoration chapel (may nakita ako sa
makati, dela Paz parish yata yon), nag-aaral ako ng kanta (kabisado
ko na ang lyrics ng Terminal at Tie a Yellow Ribbon Round the Ole
Oak Tree), nagrereminisce ako ng mga past love lives (masaya to… he
he), minsan naman ay nagdarasal ako at nakikipagtalo sa aking Diyos
(nanghihingi ako ng trabaho ha ha), minsan naman ay deep thinking
(sa paglalakad ko unti-unting nabuo ang isang play na tinulungan ko
ng isulat), at kung anu-ano pa.

Naniniwala akong ang aking kakatwang abilidad sa paglalakad ay
nahasa noong ako ay nasa kolehiyo pa lang.

Noong college kasi ako ay nilalakad ko lang rin ang buong
campus. I walk from one building to another. At saka active ako noon
sa kilusan kaya naman puro rally ang aking dinadaluhan. Nilalakad
namin mula UP hanggang batasan, mula Lawton hanggang Malacanang,
Lawton hanggang Senado, etc.

Tapos ay kumuha rin ako ng PE na WALKING FOR FITNESS. Wala
kaming ginawa sa klaseng iyon kundi…. MAGLAKAD! He he… Itinuro sa
amin ang scientific ways para magkapaglakad ng mabilis nang hindi
parang tumatakbo. Kailangan daw ay laging may contact ang isang paa
sa lupa. Itinuro sa amin ang proper elbow angles, ang tamang pacing,
ang pagpapahinga kahit naglalakad, etc. Nilakad namin ang buong
campus at nang magsawa na ay pati Mt. Makiling ay aming pinuntahan.

Mataas ang grade ko sa klaseng iyon, 1.25! Kinakitaan yata ako
ng malaking potensyal sa larangan ng paglalakad ng aking prof.

At di nga siya nagkamali. Kung alam lang niya kung gaano ko
nagagamit ang mga skills na itinuro niya sa amin ay tiyak na
maluluha siya sa tuwa. Magagalak siyang lubos kapag nalaman niyang
aking tinatandaan ang payo niya sa akin isang hapon pagkatapos
naming magcontest ng walkathon sa buong academic oval.

“Eimann, i’m glad that your clocking is steadily improving.
Always remember this: stay grounded. No matter how tough the
competition is and no matter how far you get, always remember that
the rule of the game is being grounded. You must not lose contact
with the ground otherwise, you will lose.”

Advertisements

2 Responses to “Walkathon ang Drama ng Buhay”

  1. Claudeth Cathleen C. Cantoria February 5, 2010 at 4:56 PM #

    Sabi po ni sir butch mag-comment ako.. (peace!!)

    Honestly, maganda yung mga pino-post na blog ni sir butch, especially this one… interesting and cute… 😀

    • Butch February 5, 2010 at 8:44 PM #

      oi, claudeth. Di kita inutusang magpost. Haha! Salbahe. nirequest ko lang. Hehe… Thank you for dropping by my café. I hope you enjoy reading my posts.

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: