Si Nani (mula sa baul, para kay Nani)

8 Mar

I wrote this piece almost 5 years ago.  This is for and about my relationship with Papa and how I wanted to make up for the lost time.  Ironically, though, while I e-mailed this most of my friends, I did not let Papa read this piece.  It felt awkward at that time and, sadly, the right time never happened.  😦

——————

20 June 2005

Habang nanonood ng TV si Papa kahapon at kami nama’y may kanya-kanyang ginagawa, narinig ko siyang nagtanong kay Mama, “Ngayon ba ang Father’s Day? Di ba tapos na?”

Sabi ni Mama, “Ngayon. Nag-advance celebration lang tayo nung Lunes na walang pasok.”

——

Manny ang palayaw ni Papa. Iyan ang tawag sa kanya ng lahat.

Ang kuwento sa bahay, noong bata pa raw ako ay “Nani” ang tawag ko sa kanya. Sa tuwing ikukuwento ito sa family reunion namin ay hahagalpak sa kakatawa ang mga tita ko. Nagagalit raw kasi si Papa sa kanila kasi kung anu-ano raw ang itinuturo nila sa akin.

“Nani! Nani!”

Di pa tapos ng nursing ang nanay ko at ang tatay ko naman ay tumutulong pa sa pagpapaaral ng kanyang mga kapatid nang ako ay dumating sa mundo. Medyo mali ang timing.

Ito ang dahilan kaya nagpunta sa Saudi si Papa bilang isang OFW.

Wala siya sa bansa ng mahahabang panahon. Once a year or every two years lang siya kung umuwi. Magtatagal ng isa hanggang sa dalawang buwan tapos babalik na ulit. Nasa 4 th year college na ako nang huminto siya sa pagpunta sa Saudi. Bumili siya ng pampasaherong jeep at iyon na lang ang kanyang pinagkaabalahan.

Malayo sa ideal ang relationship namin ng tatay ko. Di kami close sa isa’t-isa. Ito ang bunga ng mahabang panahon na di kami nagkikita.

Hindi kami ‘yung tipong uupo nang magkasabay sa sala at mag-uusap nang tungkol sa PBA at NBA. Hindi kami yung tipong magkatulong na gagawa ng home repairs. Di kami naglalaro ng chess at dama. At mas lalong hindi kami yung tipong mag-uusap tungkol sa buhay ko.

Ang interaction namin ay umiikot lang sa pagpapaalam pag-alis ko ng bahay, pagmamano pagbalik, pag-aaya sa pagkain, occasional na maiiksing kuwento at isang tanong isang sagot, at paghihiraman ng diyaryo.

Usually ay nakikibalita na lang siya kay Mama tungkol sa akin.

Kung kaming dalawa lang ang naiiwan sa bahay ay nasa kuwarto lang ako at nagbabasa ng libro samantalang siya ay nanonood sa TV. O kaya naman ay nasa baba at nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya, nag-rerepair ng jeep, at nakikipaglaro ng chess at dama sa mga kapitbahay namin.

May mga pagkakataong naiisip kong sana ay iba na lang ang tatay ko. Minsan kasi naiisip ko kung paano ang mabuhay sa isang mayamang pamilya. Naiisip kong sana ay isang doctor ang tatay ko o kaya naman ay lawyer, o inhinyero.

Kasi pag ganon ang tatay ko, sigurado akong di kami dito nakatira sa lumang apartment na ito. Sa isang magandang bahay kami kung saan may garden na inaalagaan si Mama, hindi kami mag-iigib ng tubig, hindi magtitiis sa maliliit na kuwarto, naka-kotse pag aalis ng bahay, hindi problema ang gawaing bahay, may bagong damit at gamit palagi, etc.

Pero ano nga ba ang magagawa ko? Hindi mayaman ang tatay ko.

Naghahanap ako ng wala kung minsan. Nafffrustrate. Nagagalit dahil mahirap lang ang tatay ko.

Sabi ng SD ko, “Butch, you are beautiful because God made you so. Your woundedness and your happiness all contributed to who you are right now. Hindi ikaw si Butch ngayon if not for the beautiful design of your life that God made for you. Before you start hating things, be thankful for them first.”

Naisip ko si Nani.

Wala akong dahilan para magalit sa tatay ko. Malaki ang kanyang pagsisikap para kami ay mapakain at mapag-aral. Di siya nananakit. Di nagmumura. May pagka-skeptical pero supportive din naman.

Mas pinili niyang lumayo, tiniis ang pangungulila sa panganay na lalaki at sa asawa, tiniis ang labis na kalungkutan para mabuhay kami nang may dignidad.

Biktima kami ng pagkakataon. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi na kami pwedeng umahon. Ito ang isang magandang bagay sa buhay natin. Pwedeng magsimula uli.

Ngayong ako’y nakapagtapos na ng pag-aaral at kumikita na, ako na lang ang susungkit sa pangarap ko para sa aking pamilya.

Unti-unti. Dahan-dahan. Sa tulong ni Lord, kakayanin.

Isang linggo bago ang Father’s Day ay lumabas ang buong pamilya. Kumain, naglibot-libot sa mall, ibinili ng bagong damit si Papa. Kita ko ang ngiti na nakatago sa kanyang puso. Nakaka-inspire.

Hindi ako si Butch kundi dahil kay Nani.

Lord, salamat po kay Nani.

Advertisements

One Response to “Si Nani (mula sa baul, para kay Nani)”

  1. Arnold March 9, 2010 at 5:20 PM #

    This is a touching piece. But behind this piece is the truth that many Filipinos suffer the same fate. I for one was a victim of the State’s OFW policy. If our leaders just did their share to stop corruption in our country, no Filipino would have to go out of the country to work. Corruption keeps this nation from growing. And this leaves a lot of young Filipinos without fathers at their side at that most crucial moment of growing up. Noynoy Aquino is offering us new hope to eradicate corruption. We hope we choose one who will truly do his best to stop corruption so that our country will grow again and we will no longer need to leave for other nations. For Noynoy Aquino, I hope he fulfills his sacred promise.

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: