‘Til we meet again!

12 Mar

I am sharing with you the piece I delivered on the mass on the eve of Papa’s interment. It was the presiding Priest’s (Fr. Tuzzi) idea for me to give a tribute to Papa in the place of homily in that mass.

May this piece also celebrate the bonds of friendship we all have developed through the years. I know you have heard this over and over but from the fullness of our hearts, we thank you for journeying with us.

———————————-

10 March 2010

Hindi ito ang unang pagkakataon na aalis si Papa. Ang pagtitipon nating ito ngayong gabi ay kamukha ng dati. Magkakasama tayo sa bisperas ng kanyang paglipad. Kuwentuhan, habilinan, at tawanan. Lahat tayo, pilit na pinipigilan ang pagdaloy ng luha dulot ng nakaambang pangungulila sapagkatng siya ay muling mangingibang-bayan. Ang kaibahan lang ay kasama na sa bisperas ng kanyang pag-alis ang extended family na ating nabuo sa paglipas ng panahon.

Matagal naging OFW si Papa. Ang kuwento nga ni Mama, mga sanggol pa lang daw kami ni Bebeth nang mag-umpisa siyang makipagsapalaran sa Saudi. Sa katunayan ay wala raw siya nang ipanganak si Bebeth, at makaraan ang anim na taon ay naulit muli ang eksena nang ipanganak si Babsi. Di ko kayang ilarawan ang sakit na dulot ng mga pagkakataong iyon sa kanila ni Mama. Masaya ka dahil muli ay nagkaroon ka ng supling ngunit tiyak kong sobrang malungkot dahil wala siya roon sa ospital para mayakap o makit man lang ang mga anak na sanggol.

Naaalala ko pa rin ang fairy tale na kanilang ginawa ni mama tuwing siya ay aalis. Ang sabi nila ay tuwing makakikita kami ng eroplano sa langit ay nandon daw si Papa at kapag kami ay sumigaw ng “Papa! Papa!” ay maririnig niya kami at mapapadali ang kanyang pag-uwi. Wala pang text at e-mail noon. Ang fairy tale na iyon ang bumubuhay sa aming imahinasyon at pakiramdam na malapit lang si Papa, na siya’y nasa langit sakay ng eroplanong nagdaraan.

Di biro ang magpalaki ng mga anak sa ganitong sitwasyon. Paano mo ilalapit sa iyong mga anak ang taong bihira lang nila makita? Paano napupunan ang mga malulungkot na araw sa sitwasyong imposible ang pisikal na presenysa? Sinong magtatanggol sa pamilya kapag silay natatakot? Ang mga palitan ng sulat at voice recording tuwing nasa Saudi si Papa, sapat na ba iyon upang matugunan ang emosyonal ng pangangailangan? Paano mo pangangatawanan ang pangako mo noong kasal na ikaw ay magiging tapat at responsible sa iyong pamilya. Malaki ang tsansang pumalya ngunit hindi ito nangyari kina Mama at Papa.

Marami tayong matututunan sa halimbawa ng mag-asawang ito. Heto ang isa sa nais kong i-highlight ngayong gabi: ang aming mga magulang ay mapagbigay ng sarili at nagmamahal ng totoo.

Si Papa, inuna ang kapakanan ng pamilya bago ang pansariling pangangailangan. Tiniis ang mahahabang panahon sa ibang bayan upang masigurado na ang mga anak ay may magandang kinabukasan. Si Mama, habang buong tapang na pinangatawanan ang pagiging ilaw ng tahanan ay hindi talaga sinolo ang pagpapalaki sa mga anak. Kami ay ibinahagi niya sa mga kamag-anak, sa simbahan, at sa aming mga kaklase at mga kaibigan. Ibinahagi ang mga anak sa maraming tao habang sinisigurado na ang kanilang mga pagpapahalaga sa buhay ay naipapasa sa amin ng maayos. Ang mga naging kaibigan at nang lumaon pati na rin mga kasama sa trabaho ay naging kaibigan rin nila.

It’s a tough balancing act which, through the grace of God, they were able to successfully do. Palakpakan po natin silang dalawa.

Ang gabing ito ay bunga ng love and selflessness nina mama at Papa. Sa kanilang pagbibigay at pagtitiwala sa aming values at passion ay lumago nang lumago ang pamilya.

Noong pumanaw si Papa sa ospital ay 12,000 lang po ang aming pera. Malaki ang babayaran sa ospital, may babayaran sa punerarya, may babayaran sa paglilibing at marami pang iba. Kabado po kami noong mga panahong iyon. Ngunit tulad po ng laging sinasabi ni Mama, may awa ang Diyos. May awa ang Diyos. At naging kongkreto ang “awa at pag-ibig” ng Diyos sa pamamagitan ninyong lahat.

At sa bawat gabi po na kami ay nag-uusap-usap sa bahay buhat pa po nang maospital si Papa ay abot-abot ang aming pasasalamat sa pagdaloy ng simpatya at tulong para sa aming pamilya. Bawat isa po sa inyo ay naging bahagi ng aming paglalakbay. Maraming salamat sa pakikiisa sa amin sa mga pagkakataong kami ay masaya. Maraming salamat sa pag-akbay sa amin sa mga pagkakataong kami ay nanghihina. Maraming salamat din dahil ni minsan ay di ninyo kami iniwan sa mga pagkakataong naging madilim ang paligid, nariyan kayo, inilawan ang aming daan, at umalalay.

Ipinagpapasa-Diyos na lang namin ang pagbabalik sa pagmamahal at kagandahang loob na ibinubuhos ninyo sa amin. Maraming salamat sa inyong lahat.

Hindi ito ang unang pagkakataon na aalis si Papa… ngunit hindi na ito tulad ng dati. Sa pag-alis niyang ito ay magpapatuloy ang ating buhay na hindi na natin siya kapiling. Ngunit alam kong siya ang unang sasalubong sa atin pagdating ng takdang oras na tayo’y magkikita-kita muli.

Kaming tatlo nina Babs at Bebeth ang produkto ng pag-ibig at pagbibigay ng sarili nina Mama at Papa. Makaaasa kayong ipagpapatuloy namin ang pamana nilang ito. Ngunit, tulad ni Hesus nang Siya ay umakyat sa langit upang makapiling ang Ama, hindi lang din sa mga Disipulo niya iiwan ang misyon sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Lahat tayo, sa iba’t-ibang paraan at pagkakataon ay nakaranas ng Mabuting Balita na isinabuhay ni Manny Evarola. Sa kanyang pag-alis ay magandang ipabaon natin sa kanya ang pangakong tayo rin ay mamumuhay ng may pag-ibig at pagbabahagi ng ating sarili sa ating mga pamilya, kaibigan, at kahit sa mga di natin kakilala.

Vaya con Dios, Papa! Di namin maiiwasang malungkot sa iyong pag-alis ngunit masaya kami sa biyayang ito na amin kang maihahatid sa iyong huling hantungan. Ngayong gabi ay tanggapin mo ang aming pagpupugay at pasasalamat sa mga magagandang alaala na iyong iiwan para sa aming lahat.

Mahal na mahal ka namin. Vaya con Dios! ‘Til we meet again.

Advertisements

3 Responses to “‘Til we meet again!”

  1. nida p. gaño March 18, 2010 at 5:57 PM #

    I am awed on how many angels you got in this world. Of course that is just a reflection on how you were brought up by your parents. It is nice to know that in this world of ?x?xxx???? meron pa ring matitinong bata na gaya ninyong tatlo. I am very proud of the three of you. I know that with the way you were brought up and with God, you will never go wrong.

  2. Jhoya March 12, 2010 at 11:10 AM #

    To my ever dearest extended family,
    Thank you for sharing your love and support to me and my son….
    The legacy of Papa Manny will lives on foever….
    Papa Manny will no longer to experience the pains, hurts & struggles he is now happy and peaceful in Father’s arm…He will be your guardian angel….GOD BLESS

  3. Arnold March 12, 2010 at 10:08 AM #

    Mama, Butch, Bebeth and Babsie,
    Hindi lang kayo ang dapat magpasalamat. Nagpapasalamat din ako dahil pinatuloy niyo ako sa inyong bahay, tinanggap na kapamilya at pinasalo sa kainan (hehehe). HIndi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon, kaya salamat po.
    Kagabi, tinitingnan ko ang directory ng cellphone ko. Nakita ko ang number ni Papa. Gusto ko sanang i-dial. Baka kasi sumagot siya at makausap. Pero siyempre, hindi ko na lang idinayal kasi baka mamaya may sumagot nga (hehehe). Pero kidding aside, nakakamiss din pala. At ang first manifestation na talagang nasa kabila na siya ay ang kanyang “cellphone number.”
    Hay, pero salamat sa Diyos dahil naging matatag kayong lahat. Naging madali para kay papa ang umalis at umuwi sa kanyang totoong tahanan. 🙂

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: