Happy Soul

18 Jun

Noong November 2001, nag-aaral pa ako sa college noon nang magpart-time ako sa Easy Call. Outbound calls to the United Kingdom. Nagpopromote kami ng isang resort sa US. Pauso pa lang ang call centers noong mga panahong ito.

In a telephone conversation with a British lady, bago namin ibaba ang phone ay nagsabi siyang, “I can tell that you have a happy soul!”

Nagulat ako. “Oh, thank you!” lang ang sabi ko. Napangiti pagkababa ng telepono.

————

June 2, 2005. Meron pang isa.

Commentator ako sa 7PM healing mass sa Greenbelt Chapel.

10PM na ay di pa tapos ang healing session. At dahil tapos na naman na ang misa ay nagpaalam na ako sa coordinator namin. May seminar pa kasi ako kinabukasan at kailangang maghanda at matulog nang maaga.

Paglabas ko ng Chapel ay naramdaman kong kumulo ang tiyan ko kaya naisipan kong dumaan muna sa mini-Stop sa may Legazpi St. para kumain bago umuwi.

Bago tumawid ay may lumapit sa aking isang Indian national. Naka-suit. Kagalang-galang.

“Excuse me. Can you please tell me where Shangri-La is.”

“Sure. Take this street. Go straight. The tall building to your left is Shangri-La.”

“Thank you!”

“You’re welcome!”

Tinitigan niya ako ng matagal at nakangiting nagsabing, “You are a happy soul.”

“Oh really?! Thanks!”

“Would you like to have coffee with me before you go?”

“Uhm… it’s already late and it’s about to rain…”

“Please…”

“Ok then.” Basta libre masarap ang kape, talo talo na ang ulan. hehe..

Sa Starbucks kami napadpad. Kuwentuhan tungkol sa buhay-buhay, tungkol sa pamilya, tungkol sa religion, tungkol sa pagiging consumerist ng Filipino elite habang ang karamihan naman ay walang makain, tungkol sa librong The God of Small Things na isinulat ng isang Indian (taga-doon kasi siya sa setting ng story—Kerala. Buti na lang at nabasa ko na ito), etc…

Pagkatapos magkape ay inaya pa niya akong sumama sa suite niya sa Shangri-La. Kahit saglit lang daw. Pahinga raw muna before I go home.

Pumayag ako. Sa 13th floor siya, may full view ng Makati skyline. Relaxing

Konting kuwento pa. 11PM na. Nagpaalam na ako.

“Hey, George! I really have to go. Thanks for the coffee, the good conversation, and the nice view.”

“Oh, thank you, too, Butch! I am really impressed. You are one happy soul and I am so glad to have met you. I’ll be leaving for Thailand this Sunday and my next stop is India, then the US.”

Kumuha ng papel…

“Here is my contact information. Drop me a line. I would love to see you again when I come back.”

“Sure, no prob, George! I’ll wait for you. We’ll go out again. My treat.”

“Take care of yourself. Stay happy.”

Hinatid niya ako sa lobby. At ako’y umuwi na. Masaya.

Si George, 51, ay isang mataas na opisyal ng World Bank at ng International Finance Corporation. Dumaan siya ng Pilipinas para kumustahin ang isa sa kanilang mga projects in coordination with DBP. Nasa US ang kanyang pamilya

Sabi ni George I am a happy soul. Nakakatuwa.

Bago matulog nung gabing iyon ay napaisip ako. Paano ba nasasabing may happy soul ang isang tao? Paanong nalaman iyon nung kausap ko sa telepono? Paanong nalaman iyon ng isang nawawalang mamang nagtanong lang ng direksyon?

Masarap pang mag-isip at ngumiti pero kailangan ko nang matulog. Saka ko na lang ireresearch, baka merong sagot sa internet. Basta ngayong gabi ay masaya ako.

I am a happy soul.  😀

Advertisements

One Response to “Happy Soul”

  1. maLugay~ June 22, 2010 at 5:05 AM #

    if you’re happy with helping your neighbors.. that’s may definition ng happy soul.. neighbor is not just your katabing bahay but mga taong di mo kilala na humihingi ng tulong at willing kang tulungan na without second thought..

    hello Butchi.. miss you much!

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: