Sasakyan Kita

26 Aug

Hindi ko alam kung ano’ng pumasok sa isip ko at napagtripan kong i-download ang novelty song na “Sasakyan Kita” ng Glady’s and the Boxers (ca 2004) noong Lunes.  Hindi naman kumplikado ang panlasa ko sa mga kanta, wala rin ni isang genre akong nakakahiligan.  Minsan ay sumasabay ako sa kung ano ang uso, pero minsan kapag mataas ang pride ko, hinihintay ko munang maluma ang kanta bago ito gawing “on repeat” sa music player ko.  At ganon nga ang nangyari.  Isang linggo na itong paulit-ulit sa celphone ko, lalo na kapag ako ay nagna-number 2 sa banyo.  Kanina nga paglabas ko ng banyo ay inunahan ko ang kapatid ko sa pagsabing, “paulit-ulit ano?” sabay tawa.  At tama nga, kasi ang sabi ng kapatid ko, “kabisado na namin ni Mama ang kanta.”

At tulad din ng isang pares ng boxing gloves, grey owl paddle, isang second-hand na gitara at maraming chord books, bamboo flute at sangkaterbang piyesa, wall lamps, coasters, iba’t-ibang klase ng bookmarks na kundi binili ay ginawa, tech gadgets, netbook, bag, diet plans at workout logs, at kung anu-ano pang mga bagay na inaalikabukan na lang sa buhay ko, mahirap ipaliwanag ng buo ang trip na ‘to.  Lahat ng mga bagay na ito ay nagbigay sa akin ng initial excitement pero tulad ng pagningas ng kugon, agad ding nawawala.  At ang resulta, madalas kapag may bago akong “hobby” o nabiling gamit, ay nagpupustahan na agad sila sa bahay kung hanggang kailan ko ito kahihiligan o ilang ulit ko lang gagamitin bago ko hintuan o ipamigay/ibenta sa iba.

Ang magandang nangyari lang sa paulit-ulit na pagpapatugtog ko sa kantang ito mula noong Lunes ay nagkaroon ako ng bagong realization sa buhay bago ko pa ito i-delete sa aking playlist.  Isang realization na kayang i-approximate ang wisyo ko.

Naisip ko kanina, kung sa mga gamit, ilan nga ba sa mga napagtripan kong bilhin ang hanggang ngayon ay nasa akin pa rin?  Kung sa mga “hobbies”, alin sa mga ito ang naging bahagi ng aking “way of life”?  Kung sa trabaho at pag-aaral, bakit nga ba ako ngayon lang nagtagal sa trabaho at bakit ako palipat-lipat ng iskwelahan para sa master’s ko? Kung sa relasyon, ilan lang ba ang hanggang ngayon ay itinuturing kong malapit sa akin?  Kung sa romantic relationships, teka ano nga ba ang romantic relationship?  Hehe…

Anu-ano at sinu-sino lang ang nagtagal?  Meron ba akong criteria na pinanghahawakan?

Napangiti ako habang isa-isang nagflash sa aking isipan ang mga sagot sa aking huling katanungan.  Oo nga at marami akong nasubukan, maraming nakilala sa kung saan-saan, pero ang mga sa hanggang ngayon ay di ko pa kayang bitawan ay yung mga nasakyan ang aking kababawan at kabaliwan.  ‘Yung kumapit at di bumitiw.  ‘Yung nakipagtagisan sa katatagan kahit na ilang bagyo pa ang dumaan.  Kakaunti lang sila pero ang kalidad ay di matatawaran.

Sabi nga ng paulit-ulit sa kanta,

Sasakyan kita sa lahat ng gusto mo.  Sasakyan kita basta’t sasakyan mo rin ako.

Para itong sistematikong paraan ng natural selection.  Dapat may coincidence of wants and needs.  At higit dito dapat ay may coincidence sa values o pagpapahalaga.  What doesn’t fit gets weeded out.  Ako kasi yung taong ang daming gustong subukan at tikman kaya sige lang ng sige hanggang dumating yung oras na tama na.  Okay na.

Hindi parasitic ang relationship kundi mutually beneficial.  Pero siyempre merong mga outliers.  ‘Yung tipong ilang beses ko nang napatunayang hindi ko gusto pero binabalikbalikan from time to time na parang di na natuto.

Nag-ugat kaya ito sa aking pagkabata?  Nung mga panahon na darating si Papa nang panandalian lang.  Panandaliang excitement na agad ding nauupos kasi pagkatapos ng ilang linggo at buwan ay muli na naman siyang mawawala at babalik sa Saudi.  Ewan ko.  Di ko sigurado.  Di rin kaya ito ang dahilan kung bakit kahit noong bata pa ako ay di ko pinangarap na magkaroon ng sariling pamilya?  Ewan ko.  Inaantok na ako.  Ayoko nang isipin.

Salamat nga pala at sinasakyan mo ang hobby kong ito na pagsusulat ng blog.  Sakyan mo lang ako, kahit madalas ay malabo.

Advertisements

3 Responses to “Sasakyan Kita”

  1. Niknok Seyer September 3, 2010 at 4:30 PM #

    Naging theme song namin yan nung nag-Batangas kami ng block. :))
    *naghahanap kasi ng song, tapos napag-tripan yan then buong trip paulit-ulit yan.

    hanggang sa naandun na, yan parin pinapatugtog. :))

  2. arnold August 27, 2010 at 1:25 PM #

    oo nga. hehehe

    • Butch August 27, 2010 at 1:32 PM #

      ano’ng oo nga? hehe

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: