Sino nga ba ang Parating?

12 Dec

Today is Gaudete Sunday. I’d like to share my opening remarks for our parish’s Advent Recollection on 10 December 2010. 🙂

——————-

Magandang gabi po sa ating lahat!

15 araw na lang at Pasko na! Tiyak po akong ang karamihan sa atin ay sobrang abala na sa last minute Christmas shopping. Abala na sa pagkumpleto sa ihahanda para sa noche buena.

Sigurado rin akong karamihan sa atin ay ilang beses nang nahipnotismo ng mga kantang pamasko na paulit ulit na pinatutugtog sa SM at sa iba pang malls. May pera o wala, lahat tayo ay abala para sa darating na kapaskuhan.

Walang masama sa nakagawian na. Sino ba naman sa atin ang hindi tinatablan ng simoy ng pagdating ng ika nga sa kanta ay “the most wonderful time of the year?”

Ngunit sa gitna ng lahat ng ating paghahanda at paghihintay sa pagdating ng Pasko, mas mahalaga na malaman kung ano ba talaga itong pinaghahandaan natin. Madalas nating naririnig sa homiliya ng mga pari, tuwing unang araw ng adbiyento o advent, na ang panahong ito na ating tinatawag na advent ay paghahanda sa pagdating. Ang advent daw po kasi nangangahulugan ng pagdating o coming. Ano nga ba para sa atin ang salitang Ito? Sa gitna ng ating mga pinagkakaabalahan, atin bang pinaghahandaan ang dapat talaga nating pinaghahandaan?

Isang OFW ang aking namayapang ama. Madalas ay nasa ibang bansa siya ng mahahabang panahon. Masuwerte na kung makakasama namin siya ng dalawa hanggang anim na buwan dahil ang kapalit non tiyak ay isa, dalawa, o hanggang tatlong taon na paghihiwalay.

Naku po. Kung amin lamang pong nairecord and eksena sa airport tuwing siya ay babalik ng Saudi para magtrabaho tiyak po na papalakpak kayo sa madadramang eksena na kung akalain ninyo ay sa pelikula lang makikita. Ngunit ang dramang aking binabanggit ay tunay at hindi lamang pag-arte ayon sa script. Ito ang tunay na drama ng totoong buhay.

Bawat pagpapaalam ay puno ng iyakan. Bawat pag-alis ay kay hirap isipin ang mga araw na susundan ng pangungulila. Isang mahabang panahon ng paghihintay sa aming tatay na lumisan.

Hindi madali pero ang aming tanging pinanghahawakan ay ang pangako niyang babalik siya makalipas ang may Kung ilang taon. Naghihintay kami dahil alam naming siya’y darating. Ang pangakong ito ng kanyang pagdating ang aming pinanghahawakan at salamat sa Diyos dahil ni minsan po ay Hindi siya pumalya. At ang bawat panahon ng paglisan at paghihintay, at pangako ng pagdating ang siyang nagpapatibay sa isang mapagmahal na relasyon. Isang relasyong binubuhay ng katapatan, pagtitiwala, at responsibilidad.

Ganito rin po ang istorya ng mga unang Kristiyano. Sila na nakasaksi sa kamatayan ni Hesus ay binuhay ng pag-asang ang Hesus na kanilang inidolo, minahal, pinagmasdan, at sinundan ay muling babalik pagdating ng tamang panahon.

Isang relationship. Isang buhay ng ugnayan na nakaugat sa paghihintay at pangakong pagdating. Waiting for the second coming of Christ.

At ano po ang ating nararapat na gawin ng mga kristiyanong naghihintay sa muling pagbalik ni Hesus?

Tumunganga? Magpakasarap? Mabuhay na parang wala nang bukas?

Hindi po.

We are supposed to do something worthwhile. Tayo’y gagawa ng mga bagay na kapakipakinabang at siguradong makakapagpalago sa ating buhay Kristiyano.

We serve while waiting. Malakas ang panyayang ating pagsilbihan ang ating kapwa, ang ating pamilya, at ang ating kumunidad.

Kailangan nating ituon ang ating atensyon sa Panginoong Hesus na siyang ating hinihintay dahil siya’y nangakong babalik sa kanyang kadakilaan.

Ang gabing ito ay paanyaya upang tayo’y magkaroon ng personal na relasyon kay Hesus. Isang paanyaya na ating paghandaan ng mabuti ang kanyang pagbabalik.

Ito ay isang paanyaya na ating gawing personal ang ating relasyon o ugnayan sa kanya, at Hindi lamang nakabatay sa Kay Santa klaws, sa mga handa, at aginaldo.

Bilang mga tapat na taong naghihintay parang okay din tayong tawaging mga waiters. Waiters who are good and faithful servants.

Magandang gabi po at maligayang pagdalo sa ating advent recollection.

Advertisements

3 Responses to “Sino nga ba ang Parating?”

  1. Tiff December 13, 2010 at 10:11 PM #

    Reading your entry made me remember my own dad, who’s also an OFW. Nung bata pa ako, parang wala lang pag dumating at umalis siya kasi bago pa man ako ipanganak, nasa ibang bansa na siya. Pero nung dumating yung time na umalis siya at natagalan ng pagstay dito, dun ko siya mas nakilala. Kaya ngayon, pag umaalis na siya para bumalik sa trabaho, di ko mapigilang umiyak. And I have to agree that when it’s Christmas, mas naiisip natin ang mga may kinalaman sa regalo. Nakakalimutan natin na kaya may pasko dahil may nagligtas satin. And it’s Him. 🙂

    Btw, if you have time, can you please answer my survey about blogging? It’s for my thesis (I’m from UP Manila).

    http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc

    Everything will be kept confidential. Thank you and may God bless you and your family this holiday season. 🙂

    • Butch December 14, 2010 at 12:10 PM #

      Thanks for dropping by, Tiff!

  2. Arnold December 13, 2010 at 1:14 PM #

    Touching ang kwento tungkol sa Papa mo.

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: