Okray state of mind

21 Feb

Pagkatapos magsimba kahapon ng hapon ay dumiretso na kaagad ako sa SM Mall of Asia. “I’m on an errand,” sabi ko sa mga kausap ko sa Yahoo! messenger at BBM. Well, totoo naman pero sa mga nagtanong kung anong errand, sabi ko na lang “basta.”

So, pagkatapos bumili ng dapat kong bilhin plus konting side trip sa mga gadget stores ay dumiretso na ako sa sakayan ng mga biyaheng LRT-Buendia para umuwi. Kung di kayo pamilyar sa mga “jeep” na bumibiyahe sa rutang ito, sila yung mga maliliit na orange na mukhang jeep. Di dapat pagkatiwalaan ang mga barker sa mga jeep na ito dahil kapag sumisigaw sila na animan o pituhan ang upuan, ang totoo ay lima o anim lang kasya, minus one lagi. Kapag anim na ang nakaupo sa animan na jeep at tataktakin nila ang mga nakaupo para makapasok ang pampito, kung hindi ay magmamatigas ang drayber at di nito paaandarin ang sasakyan. Kaya naman kapag puno na ang jeep, dikit dikit na ang tuhod ng mga magkakatapat at laging may isa sa magkabilang upuan na nakausli ang puwet. Eksenang sardinas, lala-ulalam.

Madalas ay sa dulo ako pumupuwesto, sa may estribo para madaling bumaba. Animan ang jeep, alam nyo na ang ibig kong sabihin.

Normal lang sana lahat pero may kakatwa sa lalaking katapat ko (tantya ko ay nasa early 20s ang edad nito). Nang mapuno na ang jeep at nagsimula na ang “bonding” ng aming mga tuhod ay buong pagmamalaki niyang iniangat nya sa kanyang kandungan ang dalang paper bag.

Zoo York. Naaaks, mukhang may bagong sneakers si kuya!

photo by stylemanila.com

Kaya lang, ang siste dito ay nakaharap sa aming mga katapat nya ang mahabang tape ng resibo. Buong gilas itong wumawagayway sa hangin at sa aming mga mukha habang biyahe. Siya na. Siya na ang may pera.

At dahil wala namang magawa, nagtext ako sa ilang kaibigan ko. Sabi ko, di ko alam ang intensyon ni kuya pero pwede naman kasing itago ang mahabang resibo na nagsasabing P3,250.00 ang isang item na nabili nya. Haha! Di naman naiinggit. Nang-ookray lang kumbaga.

Pero sa gitna ng mga palitan ng texts, napag-isip ko na bakit nga ba sa dinami ng mga kasama ko sa jeep ay siya ang napagdikistahan ko.

Hawak ko ang sagot.

Habang may Zoo York paper bag si kuya ay bitbit ko naman ang plastic bag na galing sa Ace Hardware. Bumili kasi ako ng pansundot sa baradong inidoro namin at toilet bowl cleaner na rin. Apat na araw na kasi ang bara. Baho na.

Tulad ni kuya, walang pumipigil sa akin sa pagbandera ng napamili ko… sa Ace. Pero ‘wag na lang. Haha!

Update: di umubra ang pansundot. Mukhang kailangan na ng tulong ni Malabanan. Help!

Advertisements

10 Responses to “Okray state of mind”

  1. cheanne March 5, 2011 at 11:50 PM #

    hahaha, knowing you lahat pinapansin…katuwa:P

  2. jamongolate March 4, 2011 at 5:12 AM #

    Ehehehe ang karaniwang tawag sa kulay kahel na jeep ay “shuttle” , gaya nung mga bumibiyahe papuntang PICC. Yung barker di nililiwanag pag sinabing waluhan eh no? Walong bata ba o unano ang katumbas kaya pag umupo ang mga malalaking bulas pituhan na lang? 😉

  3. vel February 25, 2011 at 11:44 PM #

    hahaha laughtrip!!kaw na!!!kaw na ang may pera!!!:D

    • Butch February 28, 2011 at 7:53 AM #

      Hehe… Salamat sa pagbisita, vel! Salamat din kina Babs at Arn!

  4. vel February 25, 2011 at 11:41 PM #

    hahah ang kulet!!!inggiterong frog si sir butch!!ikaw na! the best ka!!!hahahah

  5. Emzkie February 22, 2011 at 3:56 PM #

    INSECURE si kuya! ahahaha 🙂 akala ko ang blog mo ay ang karanasan ng pagsundot ng inodoro! Wahahaha 🙂 Remember wag ngumanga kapag nagsusundot ng inodoro! YUUUUUUUcKKK!!!!

  6. Arnold February 21, 2011 at 3:13 PM #

    HaHaHa. Akala ko may review ka na sa napakagandang play ng PNU students – ang “TnB” (Titser ng Bayan). Pero okay na rin. Hehehe.

  7. Butch February 21, 2011 at 3:03 PM #

    Salamat sa pagbisita, Les at Lovel! 😀

  8. lovelle February 21, 2011 at 2:58 PM #

    hay…salamat sa blog…kahit nag aagaw ang aking damdamin sa lungkot ng pagkaholdap sa telepono ko at pagbibilang ng mga gamit na dadalhin natin sa lsgh…napangiti ako…

  9. lesles February 21, 2011 at 1:01 PM #

    aliw!!

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: