Paunang Salita: Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)

31 Mar

1997 nang una kong nakilala ang panulat ni Ricky Lee. Kalalabas ko lang sa klase noon nang may nadaanan akong poster sa AS (Palma Hall, UP). Last day na ng Ricardo Lee Film Festival sa UP Film Center. Di ko siya kilala pero ang sumagi kaagad sa isip ko ay si Ricky Lo, entertainment writer ng Philippine Star, mali pala. Curious, sumakay kaagad ako ng Ikot jeep para umabot sa 5:00 PM screening. Medyo nagulat ako sa inabutan kong pelikulang ipalalabas: Sibak: Midnight Dancers. Di naman ako nagsisi dahil bukod sa maganda ang graphics (hehe) ay nagustuhan ko ang istorya. Di na masama para sa P20.00 na ibinayad ko.

Noong mga panahong iyon ay maraming bagay akong tinutuklas at kasama roon ang masidhing pagnanasa na matuto ako sa malikhaing pagsulat. Madalas akong nagbababad sa Literature Section ng Main Library at madalas akong manghiram ng mga self-help creative writing books. Sinusundan ko ang mga exercises at ang mga tips. Ang naging problema ko nga lang ay karamihan sa mga librong nahihiram ko ay masyadong teknikal at kung hindi naman ay masyadong artistic na hindi ko na ma-gets.

Kaya naman nang mabalitaan kong may ilau-launch na scriptwriting manual si Ricky Lee ay labis akong natuwa. Sa wakas, may isang libro na pwede akong maka-relate. 1998 noon, P500.00 lang ang baon ko para sa buong linggo ko sa boarding house. Ang P350.00 iniabot ko sa sekretarya ng Filipino Department para sa signed copy ng Trip to Quipao at complimentary pass para sa book launch ay nangahulugan ng ilang araw na Sky Flakes sa pananghalian at isaw naman sa hapunan.

Buhay pa rin ang kopya ko ng Trip to Quiapo. Sagrado ang turing ko dito dahil sa bukod sa puno ito ng autograph ni Ricky Lee at ng mga artistang dumalo sa book launching sa UP Bahay ng Alumni, ay walang katumbas ang mundong nagbukas sa akin mula sa pagbasa ko nito. Hindi ko masabing siya ang nagturo sa aking magsulat. Ngunit sigurado akong siya ang unang nagpalaya at nagpalawak sa aking isipan. Ilang beses na akong nakarating sa Quiapo mula noon.

Ang librong Para kay B ay katibayan sa kakayanang magpalaya ng isipan ni Ricky Lee.

Moderno ang boses. Realistic ang approach. Taglish pero hindi cheap o coñotic. Alam na alam niya ang kombensyon at pormula kaya ito ay iniwasan niya. At sino’ng hindi mapupukaw ang atensyon sa title pa lang? Ang mga love stories ay tales as old as time, pero sa panulat ni Ricky Lee ay lagi itong nagkakaroon ng kakaibang freshness.

Umusbong ang librong ito dahil sa isang teorya:

Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig na wala. O di iibig kailanman.

Ang iba’y iibig sa maling panahon, umibig na noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga amerikano, matagal nang namatay. Kaya she keeps falling in love sa mga lalaking mas matatanda hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukyan.

May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never realize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabilang building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitignan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanman ay di niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di na niya malalaman kung sino nga iyong nasa kabila.

Merong pinalad na nagkakilala, nagkaibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.

Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman kaya ang makahiwalay. Merong nagmamahal lamang kapag nananakit. Meron relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.

Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Meron di makahakbang dahil sa pag-ibig at merong namang nakakalipad. Merong ang tingin sa pag-ibig ay hapunang walang sawsawan. Merong pag umibig ay nahaharap sa salamin, sarili ang sinasamba. Merong ang tingin sa pag-ibig ay parusa.

Ang iba’y iibig sa hayop, dahil noong unang panahon ay mga hayop sila. Ang iba’y iibig sa mga bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig. Patuloy silang mananakit sa mga babaing umiibig sa kanila dahil hindi nila kailanman malalaman ang puso nila ay gawa sa kahoy.

Pero merong isa sa lima, harangan man ng kulog, ng ganid, ng lindol, ng teknolohiya, mahahanap niya ang kanyang mahal. Siya lang ang magiging maligaya.

Sa nobelang ito ay ipakikilala sa atin si Irene na may photographic memory pero nalimutan/kinalimutan ng lalaking iniibig; si Sandra na fair sa lahat ng bagay ngunit ang tadhana ay hindi naging fair sa kanya; si Erica na life-long quest ang matutunang umibig; si Ester na kung tumawa ay hindi lubos, parang biyaherong natigil sa gitna ng daan; at si Bessie na mapaglaro at pinaglaruan din naman ng buhay.

Ang librong Para kay B ay katibayan sa kakayanang magpalaya ng isipan ni Ricky Lee. Sa pagsama natin sa paglalakbay ng limang karakter ay tiyak akong may at least isa sa kanila na puwedeng maka-relate tayo dahil mukhang ang karamihan nga talaga sa atin ay kasama sa 4 out of 5 na dinevastate ng pag-ibig.

Advertisements

4 Responses to “Paunang Salita: Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)”

  1. Jovee April 11, 2011 at 7:13 PM #

    I have a copy of this book and have posted a review of it as well in my (now inactive) multiply – http://nedz.multiply.com/reviews/item/7. Unlike you though, I didn’t like it much.

  2. Arnold April 1, 2011 at 1:38 PM #

    Hi Butch,
    Ang dami ko pang babasahin… pero heto mukhang kailangan ko na namang manghiram sa’yo hehehe. By the way, noong book launching nito, nandoon din ako. Hindi tayo nagkita noon, pero siguro isa ka sa mga lumapit kay Ricky noon habang kausap namin siya nina Jeannie.

  3. lesles April 1, 2011 at 9:17 AM #

    sa unang attemp ko na magleave ng comment.. nagsession time out kse 10 mins lang ang quota time.. sa 2nd attemp, may tumawag so session time out ulet.. sa 3rd attempt.. nagsession time out sa dahilang di ko malaman.. sana now maipost na ito…

    i enjoyed reading the foreword! ang galing! kumbaga.. napukaw ang damdamin ko (naks!) at nakarelate sa ibang bagay (ayayay!).. keep doing this at sisigla ulet ang book industry..

    ayan.. nadagdagan na naman ang book wish list ko.. i’m excited!

    • Butch April 1, 2011 at 9:41 AM #

      Salamat sa pagbisita, Lesles. 😀

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: