The Case of the Phantom Payong

25 Jun

Araw ng Lunes kaya sinigurado niyang maaga siyang babangon. Mabuti raw kasing simulan nang maganda ang unang araw ng linggo. Sinipat niya ang langit mula sa bintana ng kanyang kuwarto. Maitim ang ulap. May tsansang umulan.

Bago siya natulog kagabi ay kanya nang inihanda ang damit na isusuot at ang bag na gagamitin pagpasok sa opisina. Isa itong ritwal bago siya humiga sa kama.

Nag-ehersisyo ng kaunti. Kumain. Naligo at nagbihis. Wag kalimutang isuksok sa bag ang payong, paalala niya sa sarili. Kaunting tingin sa salamin at pagsuklay sa buhok at handa na siyang lumarga. Kinarga ang bag, kinapa ang mga gamit sa loob, at saka nagpaalam.

Kahit nakapikit ay kaya niyang makarating sa opisina dahil mula Setyembre noong isang taon ay iisa ang ruta na kanyang tinatahak. Lalabas sa kalye. Sasakay ng jeep papuntang LRT. Tren mula Libertad hanggang sa pinakadulong istasyon. At sa huli ay tricycle.

Umuulambon paglabas niya ng bahay ngunit nagpasya siyang wag nang maglabas ng payong dahil malapit lang naman ang sakayan ng jeep. Pagpanhik sa istasyon ay saglit na ininspeksyon ng gwardya ang bag habang kanyang hinahagilap ang kanyang tiket. Natiyempuhan niya ang pagdating ng tren at nakasakay siya kaagad.

Malakas ang ulan ngunit di sya nag-aalala.

Hanggang sa dumating ang di inaasahan. May nagtext.

“Naiwan mo ang payong mo sa lamesa.”

Nagulumihanan siya sa kanyang nabasa. Di ito maaari. Sigurado siyang naisuksok nya ito sa kanyang bag at kanya pa itong kinapa bago lumabas ng bahay.

Di matigil ang pagkabog sa kanyang dibdib habang unti unti nyang binuksan ang zipper ng kanyang bag.

Nanlaki ang kanyang mata sa nasaksihan. Napanganga ngunit wala ni isang ingay ang lumalabas sa kanyang bibig.

Ang isinuksok sa bag. Ang nakapa sa bag bago lumabas ng bahay. Ang nakita ng gwardya… Ay botelya ng gatas na iinumin ng kanyang pitong buwang pamangkin.

Bigla siyang nahilo. Kinailangan niya ng masasandalan ngunit walang pader. Kaya sa safety handrail na lamang siya kumapit.

Sinipat niya ang langit mula sa kanyang kinatatayuan. Unti-unti nang nagliliwanag ang paligid.

Ngunit sa loob ng tren ay bubuhos pa lang ang luhang dulot ng phantom payong.

Advertisements

6 Responses to “The Case of the Phantom Payong”

  1. Gilda A. Bradd June 25, 2012 at 8:27 PM #

    Sabi siguro ng guard sa LRT “Sobra naman itong mamang ito, katanda na eh nadede pa!!!) :)))

  2. emmaruth June 25, 2012 at 5:17 PM #

    Next tym double check n baka s susunod n hindi n bote ng sanggol madala baka pati gatas na..hehehe:-)

  3. madel June 25, 2012 at 12:55 PM #

    naenganyo mo ako na basahin ang story mo, tama si Arn, when he commented that may pag ka suspense ang dating, ako din naisip ko na for sure naiwan niya ito, pro ang kakaiba dito ay bote ng gatas ng baby
    pala ang nailagay, maliit lan ito. but inisip q maaring foldable umbrella ang baon baon nya. Maaaring kya bubuhos ang luha sa tren ay dahil bka magutom ang baby? o dahil di matanggap na nagkamali sya ng suksok sa bag?
    well, or baka may karugtong pa ang kwentong “Phantom Payong”..

    Lets wait & see, knowing Butch. =)

    • Butch June 25, 2012 at 6:44 PM #

      Foldable umbrella nga ang gamit ko, Ate Madel. 😀 Salamat sa pagbisita sa aking kapihan. 🙂

  4. Arn June 25, 2012 at 10:21 AM #

    Totoo ba ito? Magandang sanaysay, although predictable, nakakasuspense pa rin. Pero ano ginagawa ng gatas sa bag at kasing taba ng lata bg gatas ang payong? Hehehe but overall, entertaining at may magandang hinaharap. Hehehe

    • Butch June 25, 2012 at 6:43 PM #

      Maraming salamat, Arn!

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: