Wetness Protection Program

8 Aug

Kasasakay ko lang sa tren. Hindi ito ang hitsura ng “usual crowd” na nakikita ko sa araw-araw na pagpasok. Manipis at hindi siksikan. Basa ang sahig at parang ganon din ang mood ng karamihan: basa at mabigat.

Kunsabagay. Kahit naman ako ay nagdadalawang isip pa kung babangon na sa kama. Bed weather. Sarap humilata lang.

Nagtatalo rin ang isip ko kung itetext ko ang boss ko kung may pasok o wala. Kahapon kasi ay ala-sais ako nakatanggap ng text. Alas-siyete na kanina pero wala pang advisory.

Nagtext ako. May pasok daw. Siguro next time Don’t Ask na lang para she won’t tell. Hehe.

Kakayanin ko ito, ang sabi kong pilit sa sarili ko. Kung nakayanan kong maligo ng walang heater noong nasa Baguio ako at bumabagyo, lahat na ay kaya ko.

Nagustuhan ko ang wording ng announcement ng Malacañang tungkol sa resumption of work in the private sector. Lalo na yung last paragraph na sinimulan ng “As we emerge from this emergency, let us bear in mind the many thousands of our countrymen who will continue to need our assistance and support.”

Emerge from this emergency.

Tama nga naman. Kung 50-80% ng Metro Manila ay nalubog sa baha. May natitira pang 20-50% na kayang gumawa at simulan ang pagbangon.

Emerging from the emergency.

Papasok na sa trabaho para may kitain at matulungan ang sarili at pamilya. Babalik na sa dati para makatulong din sa iba.

Natuwa ako sa nabasa ko sa Twitter kagabi.

“Everytime I see evacuees waving, smiling at the cameras, natutuwa ako. Ito ang lamang natin sa buong mundo: Baha ka lang, PILIPINO AKO.”

Nagpasa-pasa na ang tweet na iyan kaya di ko na sigurado kung kanino nanggaling. Cute. Ito yung sinasabing resiliency ng mga Pinoy. Yung kahit anong pagsubok ay kinakaya, with a smile.

Pero kapag pinag-isipang mabuti, pwede ring matanong, ilang ulit ba tayo dapat umabot sa ganito kapag may malakas na pag-ulan? Yung natabunan ng landslide sa Quezon City, di ba yun pwedeng naiwasan sana? Ang mga biktima sa Marikina, Cainta, at kung saan saan pa, sila na naman?

Alam kong maliit lang ang magagawa ng tao versus the forces of nature. Fact of life yun. Pero sa konting margin na may pwedeng gawin, sapat na nga ba ang ginagawa natin?

Tamang urban planning at zoning, appropriate infrastructure lalo na sa ating flood control at drainage system, tamang pagtatapon ng basura, muling pagtatanim ng mga puno sa paligid, atbp.

Pwedeng masabi na madali lang magsalita nang magsalita pero ano nga ba dapat ang sabihin? At paano ba DAPAT gawin?

May mga little successes naman at nakatutuwang isipin na mas handa tayo ngayon kaysa sa Ondoy noon. Pero may magagawa pa rin. Hindi lang ang 20-50% na bumangon ngayon para magtrabaho kundi lahat tayo.

Ngayong umaga ang dasal ko ay para sa mga kababayan kong naapektuhan ng pagbaha. Sa mga kaibigang sa mga evacuation center nagpalipas ng magdamag. Sa mga batang nangangatal ang labi sa ginaw. At sa kanilang di napangalanan pero nasa frontline ng rescue and relief operations.

I’m pretty… I’m pretty sure… I’m pretty sure that we can rise above this situation.

Emerging victorious from this emergency.

Speaking of emerging, as I emerged from our house kanina ay nakita ko ulit ang butas butas na kalye sa amin. Mukhang ang napabayaang project ng city hall ang naging susi para di magkaroon ng emergency sa aming Barangay.

Biro lang. Fun intended.

Biro lang ulit. I just made fun of pun.

O siya. Paano? Roosevelt station na. End of the line na raw sabi ng piloto. Kailangan ko nang mag-emerge from the tren.

Advertisements

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: