Four-ty shades of Butch

Mayroon akong lihim na itinatangi.

Nakikita ko siya pagbaba ko ng LRT papasok sa opisina. Di naman madalas, tiyempuhan lang din. Simple, matamis ang ngiti, at mukhang mabait. Alam kong may pagtangi rin sya sa akin dahil sa paglipas ng panahon ay nasusuklian na ng kusang pagngiti ang aking mga panakaw na sulyap sa kanyang gawi. Dumating pa nga sa puntong naibigay ko sa kanya ang binili kong kakanin sa isang malapit na kainan para kahit saglit ay magtagal ang isang pambihirang sandali.

Image

Huli ko siyang nakita mahigit isang buwan na ang nakalilipas. Medyo naging abala kasi kami sa opisina at napadalas ang aking mga miting sa labas.

Kaya naman nagulat ako nang makita ko siya kanina. Wala siya sa kanyang puwesto, nawala na ang matamis na ngiti, at di na maayos ang dating simpleng gawi, wala na rin ang kislap sa kanyang mata nang magtama ang aming paningin.

Di ko alam kung ano at paano nangyari. Hindi napalukso, hindi napangiti.

Kanina ay gusto kong tumakbo papalapit sa kanya at siya’y hagkan hanggang ang kanyang pagal ay unti-unting mapawi.

Gusto kong iparamdam sa kanya ang pintig sa aking dibdib habang aking sinasambit, “Shhhh… Tahan na. Wag nang matakot. Narito na ako… Magkikita na tayo muli.”

Advertisements

One thought on “Four-ty shades of Butch

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s