Motorcycle diaries

18 Oct

Nagulat ako kanina pagbaba ko ng LRT-Roosevelt station. Ilang hakbang pa lang kasi ay nagsigawan na agad ang mga tricycle driver,

“Mindanao yan o!”

“Mindanao!”

“Mindanao! Dun sa una!”

“Mindanao!”

Medyo nahilo ako. Tuloy tuloy ang sigawan hanggang makarating ako sa unahan ng pila. Parang pass the message ng mga jabberjays. Parang mating call ng mga chimpanzees tapos yung alpha trike ang mag-uuwi sa akin bilang ako’y isang trophy chimp. Haha!

Ito ang TODA Bago Bantay. Sila ang in-charge sa 2nd leg ng aking biyahe, mula sa baba ng LRT Roosevelt Station hanggang sa Mindanao Ave. kung saan naroon ang office namin.

Mahigit isang taon na ako sa rutang ito kaya nagkaroon na rin ng familiarity. May paboritong sakyan (215 at 463) kasi they go the extra mile at swabe sa mga humps. Meron din laging iniiwasan (380 at 388) kasi mas mataas ng limang piso ang singil. Alam kung sino ang kaskasero at kung sino ang tila ay isang mahinhing pagong. Ngunit anu’t-ano pa man, sa biyaheng ito ang pagiging choosy ay may hangganan dahil kadalasan ay sasakay ka sa tricycle sa una ng pilahan.

Ako po si Butch, isang commuter, at ito ang aking Motorcycle Diaries (motorcycle diaries?!).

Advertisements

6 Responses to “Motorcycle diaries”

  1. emma October 20, 2012 at 4:28 PM #

    ok k din BUTCH ha, para ka reporter documentray sa channel 7 ni JAY TARUC ahh..maganda career yan..hehehhe,good job!

  2. maya October 18, 2012 at 2:21 PM #

    aba, ang laki naman ng singil nila 380 at 388! sigurado, para maiwasan, may mga tactics ka.. bagalan mo, kunwari may nakalimutan, text text muna.. hehehe

    • Butch October 18, 2012 at 4:28 PM #

      Ginagawa ko yan, Maya! Hahaha! Minsan kunwari may hinihintay ako na imaginary friend para lang may maunang sumakay sa kanila. Pero minsan nakatadhana talaga eh. 😀

  3. Pogz October 18, 2012 at 1:46 PM #

    Teka, hindi ba unfair na mas mataas ng 5 ang singil? Kala ko ba may TODA sila? Diba isa sa layunin ng organisasyon nila na i standardize ang pamasahe?

    Todasin mo nga. Mga madudugas.

    • Butch October 18, 2012 at 4:26 PM #

      Minarkahan na namin nina Ms. Cynthia at Ms. Liza. Mga suki kami ng BBTODA. Haha!

  4. Arn October 18, 2012 at 1:40 PM #

    May bago na namang teleserye. Hehe

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: