Motorcycle diaries #2

22 Feb

Di pa ako nakakasakay sa sleeper bus (yung may higaan, ideal sa mahahabang biyahe) pero ang sleeper tricycle nasubukan ko na.

Malakas ang ulan (baha at trapik) kaya nagcommute na lang ako papasok sa office. Pagbaba ko ng LRT ay nagkataon na ang nasa unahan ng pila ng tricycle ay itong si 760. Makintab at maporma. Bagong-bago at lowered pa ang side car. Likas na mababa ang bubong ng mga tricycle pero ang isang ito ay mas pinababa pa.

Sumakay kaagad ako para di maunahan pero pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay naramdaman ko kaagad na parang may di tama.

Para akong fetus–yuko ang ulo at nakadikit ang dibdib sa nakabaluktot na tuhod. Kung nagkataong umuulan ng formaline ay tiyak na pwede na akong pang-science lab display.

Naisip kong baka may ibang ipinahihiwatig ang mababang bubong.

Sinubukan kong isandal ang aking likod sa malalim na sandalan.

Wow! Ramdam agad ang ginhawa. Pahiga pala dapat ang sakay. Sleeper tricycle!

20130222-180404.jpg

Tuloy sa pagmamaneho si kuya. Tuloy din ang pagbuhos ng ulan. Tuluyan na rin akong nahiga at nabasa.

Advertisements

One Response to “Motorcycle diaries #2”

  1. Arn February 23, 2013 at 11:17 AM #

    Perfect

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: